Nilinaw ng DOTr na unang-una ay hindi naman bahagi ng kanilang mandato ang traffic management at bakit lumutang ang pangalan ni Secretary Tugade sa pagresolba ng traffic?.
The STAR/Geremy Pintolo, File
DOTr sinupalpal si Grace Poe
Mer Layson (Pang-masa) - September 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos na sabihin ni Senator Grace Poe na “underperforming” si Secretary Arthur Tugade at dapat itong masibak sa tungkulin dahil sa pag­kabigong maayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila ay agad itong sinupalpal ng Department of Transportation (DOTr).

Nilinaw ng DOTr na unang-una ay hindi naman bahagi ng kanilang mandato ang traffic management at bakit lumutang ang pangalan ni Secretary Tugade sa pagresolba ng traffic?.

Hirit pa ng DOTr, kung naipasa sana ang hiling na emergency powers ng Pangulong Rodrigo Duterte ay maitatalaga si Tugade bilang ‘traffic czar’ at nakatulong sana ito sa pagresolba ng traffic sa bansa ngunit hindi naman anila naisabatas ang natu­rang proposed bill.

“Ito ‘ho ‘yon: Taong 2016, hiningi po na ma­bigyan ang Pangulo ng emergency powers upang makatulong sa pagresolba ng traffic sa bansa. Sa proposed bill na hindi naman po naisabatas, si Secretary Tugade ang nakalagay na ‘traffic czar,’” anang DOTr sa isang pahayag. “Sana po malinaw. Hindi ‘ho sa naghuhugas ng kamay. Nagsasabi lamang ‘ho nang totoo.”

“Sa ilalim ng mandatong saklaw ng DOTr, hindi ho patas na parata­ngang “underperforming” ang Kalihim ng Transportasyon dahil hindi ito totoo,” dagdag pa nito at inisa-isa ang ilan pa lamang anila sa mga accomplishment ng DOTr sa unang tatlong taon ng matayog na pamumuno ni Tugade sa ahensiya.

Kabilang sa mga tinukoy nito ang natapos na 64 airport projects sa buong bansa; 133 airport projects nagpapatuloy; nakapagtapos ng 220 commercial at social/tourism port projects; 121 commercial at social/tourism port projects nagpapatuloy; naumpisahan ang konstruksyon ng apat (4) na railway projects; ipinagpatuloy ang konstruksyon ng dalawang (2) iba pang railways; nagbukas ng isang (1) landport; at 952 transport cooperatives ang lumahok sa Public Uti­lity Vehicle Modernization Program (PUVMP).

“Yan po ang aming Kalihim. TRABAHO, GAWA, at hindi puro salita. Salamat po,” pagmamalaki pa ng DOTr.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION GRACE POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with