Ayon kay Police Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Luzon, modus umano na magpautang sa kanilang mga target kapalit ng collateral at mataas na interes.
File Photo
6 miyembro ng loan shark gang,timbog
Joy Cantos (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

Target ang mga casino player...

MANILA, Philippines — Anim na hinihinalang kidnaper na ang tinatarget ay mga casino player ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa Pasay City at nasagip ang dalawang biktima na sina Eugenio Santos, 45, broker agent at kaibigan nitong Grab driver na si Alvin Bangug .

Iprinisinta kahapon sa Camp Crame ang mga suspek na kinilalang sina Francis Reyes, ex-navy officer at utak ng grupo; Melvin Culala, seaman na tumatayong financier at mga spotter ng grupo na taga bantay, taga-bugbog at taga-negotiate ng ransom sa pamilya ng mga biktima na sina Na­thaniel Aragon; Christopher Bagro; Rico Castillo; at Reynaldo Parolina.

Ayon kay Police Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Luzon, modus umano na magpautang sa kanilang mga target kapalit ng collateral at mataas na interes. 

Kapag hindi nakapagbayad ang napautang na casino player ay dudukutin, ipatutubos at tatakutin. 

Ito ay kahalintulad na modus ng mga Chinese loan shark gangs na target naman ang mga Tsino na dumarayo sa bansa para maglaro sa mga casino. 

Sa imbestigasyon si Santos ay ipinakilala lamang ni Bangug sa mga suspek kaugnay ng plano ng mga itong pagnenegos­yo ng sigarilyo na ang puhunan ay P2.3-M pero P2-M lang ang ipinautang sa una ng mga suspek.

Dahil kulang ay ipina­nlaro ng mga ito ang pera sa casino, pero natalo ang dalawa ng P1.2-M kung saan ang P600,000 ay naibili ng sigarilyo habang binawi ng mga suspect ang natitira pang P200,000 at bukod dito ay hinihingan pa ang negosyante ng P1.8-M bilang kabayaran habang inipit rin ang titulo ng lupa at bahay nito na nagkakahalaga ng P 8-M.

Ang mga suspek ay kinidap sa loob ng Solaire Resort and Casino sa Parañaque City noong Setyembre 6 dakong alas-10:40 ng umaga at isinakay sa van saka dinala sa bahagi ng Cavitex.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay nakipag-ugnayan na ang misis ni Santos sa PNP-AKG at nasagip ang mga biktima sa labas ng City of Dreams sa Pasay City  dakong alas-4:00 ng hapon matapos silang ibalik sa lugar. Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong kidnapping.

CASINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with