Sa ulat, nagsimula ang sunog alas-6:17 ng umaga sa ikalawang palapag bahay ng mga biktima na gawa sa kahoy kaya’t na-trap ang mga ito at nadamay ang 10 pang kabahayan.
Edd Gumban
Tondo fire: 3 patay
Ludy Bermudo (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong miyembro ng isang pamilya sa naganap na sunog sa H. Lopez Boulevard, Gagalangin, Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Mara Benza, 23; anak na si Leo Lance Tequillo, 4 at pamangking si Andrei Tequillo, 5; pawang residente ng no. 650  H. Blvd., Gagalangin, Tondo.

Nagtamo ng second degree burns sa kanang kamay si Lianlyn Tequillo, 7; at Ashley Tequillo, 9, na nagtamo ng 1st degree burn at nahiwa pa sa kanang hita.

Sa ulat, nagsimula ang sunog alas-6:17 ng umaga sa ikalawang palapag bahay ng mga biktima na gawa sa kahoy kaya’t na-trap ang mga ito at nadamay ang 10 pang kabahayan.

Umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire-out, alas-6:55 ng umaga at sa isinagawang mopping operation ng mga bumbero ay nakita ang bangkay ng mag-ina na magkayakap habang sa ‘di kalayuan ang bangkay ni Andrei sa ground floor ng bahay.

Iniimbestigahan ng mga otoridad kung sinadya ang sunog dahil sa pinalalayas na ang mga residente sa lugar dahil mga informal settlers lang ang mga ito.

FIRE MARA BENZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with