Davao road crash: 8 todas, 16 sugatan
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang walong katao habang 16 ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa kalye sa bayan ng Toril at Matina Pangi, Davao City.

Sa Matina, Pangi, namatay noon din ang apat na katao na kinilalang sa pangalang Tata; Meljay Quillosa, ng Waan Buhangin; Rolly Ambas Balagisi, 26; at Justin Libayaw, 19; at kapwa residente ng Paquibato District ng Davao City.

Sa ulat, alas-12:26 ng tanghali kahapon ay sakay ang mga biktima ng Isuzu Forward truck (ACN-6036) nang mawalan sa kontrol ang manibela ang driver na si Tata pagdating sa kurbadang bahagi ng Orange Groove ay sumalpok ito sa poste ng kuryente na agad ikinasawi ng mga biktima.

Apat katao rin ang naiulat na namatay habang 16 ang sugatan matapos ang banggaan ng isang pampasaherong bus at isang wing van sa McArthur Highway, Central 1 Barangay Binugao Toril, Davao City, ala-1:15 ng hapon nitong Martes.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente ay binabaybay ng Mindanao Star Bus (M01-15-002647) na may lulan na 21 pasahero nang makasalpukan nito ang  Hino wing van na puno ng kargamento.

Namatay noon din ang pasahero ng bus na si Judy Mejares, 50, habang sa Southern Philippine Medical Center (SPMC) binawian ng buhay ang mga pasaherong sina Theresa Gonzales, at mag-asawang Julieta, 53 at Rodrigo Tulin.

Ang 16 na nasugatan ay dinala sa iba’t ibang pagamutan.

ROAD CRASH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with