Sa pagtatanong ni House deputy mino­rity leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate tinanong niya ang Ombudsman kung ang senador ay covered ng imbestigasyon nila kaugnay sa kontrobersiya sa GCTA sa pagpapalabas ng may 1914 heinous crime convicts.
The STAR/Mong Pintolo
Sen. Bato iniimbestigahan sa GCTA
Gemma Garcia (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Ombudsman sa deliberasyon ng Kamara para sa kanilang P3.2 bilyon proposed budget na kanilang iniimbestigahan si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay sa pagpapalaya sa mga heinous crime convicts sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA)law noong siya pa ang chief ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa pagtatanong ni House deputy mino­rity leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate tinanong niya ang Ombudsman kung ang senador ay covered ng imbestigasyon nila kaugnay sa kontrobersiya sa GCTA sa pagpapalabas ng may 1914 heinous crime convicts.

Agad na sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na totoo ang ginagawa nilang pag-iimbestiga kay Dela Rosa at lahat ng kasalukuyan at dating opisyal ng Bureau of Correcions (BuCor) gaya ng sinibak na si Nicanor Faeldon.

Hindi lamang umano tinitingnan ng Ombudsman ang administrative liability ng mga opistal kundi maging criminal culpability ng mga dating opisyal.

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with