Pangasinan ex-gov kritikal, 5 kasama dedo sa ambush
Joy Cantos (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malubhang nasu­gatan si dating Pangasinan governor at congressman Amado “Ama” Espino Jr., habang patay ang driver at dalawa nitong bodyguard nang sila ay pagbabarilin sa naganap na ambush kahapon ng hapon sa Brgy. Magtaking, San Carlos City, Pangasinan.

Sa ulat, kasaluku­yang bumabagtas dakong alas-4:30 ng hapon ang sasakyan ng mga biktima nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga suspek.

Si Espino ay nasa malubhang kalagayan at ginagamot sa Holy Blessed Family Hospital sa San Carlos City, Pangasinan.

Habang ang driver at apat nitong bodyguard ay nasawi noon din.

Si Espino ay dating nalagay sa listahan ng mga nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte pero makalipas ang ilang araw ay nag-public apology ang punong ehekutibo sa pagsasabing mali ang impormasyon na naibigay sa kanila.

Ang matandang Espino na dating 5th District Re­presentative ay natalo noong May election kay Binalonan Mayor Ramon Guico III.

AMADO ESPINO JR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with