Ayon pa kay Tulfo, ang video ay ginawa habang nasa Amerika sina Ange­les at Samson, suba­lit, ayon kay Samson, kahit minsan ay hindi pa siya nakarating sa Estados Unidos at bagaman nabigyan siya ng ‘US visa’ noong 2018, hanggang ngayon ay hindi pa niya ito nagagamit.
Facebook/pg/IMKTOfficial
Mon Tulfo sinampahan muli ng libel at cyber libel
Rudy Andal (Pang-masa) - September 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nahaharap muli sa kasong ‘libel’ at ‘cyber libel’ ang kolumnistang si Ramon ‘Mon’ Tulfo sa Quezon City Prosecutor’s Office kaugnay sa serye ng kanyang mga artikulo laban sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa reklamong ‘5 counts of libel’ at ‘7 counts’ of cyber libel na isinampa noong Setyembre 6, sinabi ni Adonis ‘Don’ Samson, ‘executive assistant’ ni BIR chief, Caesar Dulay, lubhang nakasira sa kanyang pangalan at dangal ang mga serye ng kolum laban sa kanya, Dulay at BIR assistant commissioner Teresita Angeles.

Ang reklamo ay kaug­nay sa mga isinulat ni Tulfo hinggil sa isang ‘video recording’ umano nina Angeles at Samson noong 2017 kung saan lumalabas na nagagalit ang dalawa matapos hindi “mapartihan” sa suhol ga-ling sa dalawang malaking kaso na hawak ng BIR.

Ayon pa kay Tulfo, ang video ay ginawa habang nasa Amerika sina Ange­les at Samson, suba­lit, ayon kay Samson, kahit minsan ay hindi pa siya nakarating sa Estados Unidos at bagaman nabigyan siya ng ‘US visa’ noong 2018, hanggang ngayon ay hindi pa niya ito nagagamit.

Mariin ding kinondena ni Samson ang ko-lumnista dahil sa bintang na katatapos lang nilang magtalik ni Angeles ng gawin nila ang video.

Bago ang nasabing reklamo, sinampahan na rin nina Dulay at Angeles si Tulfo ng mga kasong ‘libel,’ ‘cyber libel,’ ‘cyber fraud’ at ‘incriminatory machination.’

Kasama rin  sa reklamo ang mga opisyales ng Manila Times, na sina: Dante M. Ang II, president/CEO; Blanca Mercado, COO; Nerilyn Tenorio, publisher-editor; Rene Bas, publisher-emeritus and, editors, Leena Chua, Lynette Luna, Arnold Belleza at ilan pang hindi matukoy na indibidwal.

RAMON TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with