Nagsasagawa ng search and retrieval operation ang Bureau of Fire Protection sa binagsakan ng private plane sa Miramonte Village, Brgy. Pansol Calamba, Laguna.
Russell Palma
Plane crash: 9 patay
Gemma Garcia (Pang-masa) - September 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siyam katao ang nasawi nang bumagsak ang isang private plane sa isang resort kahapon sa Brgy. Pansol, Laguna.

Sa inisyal na ulat ng Calamba PNP, dakong alas-3:20 ng hapon nang mamataan ang maliit na eroplano na bumagsak sa isang resort.

Bago ito ay nakita ng  ilang testigo ang eroplano na patungo sa direksyon ng Mount Makiling na umuusok ito at nakita ang tangkang ibalik ng piloto sa kanyang pi­nanggalingan, subalit bu­­magsak na ito sa Miramonte Village, ng nasabing barangay.

Kaagad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Calamba para sa mga sakay ng nasabing eroplano.

Ayon kay Eric Apolonio, spokesman ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang nasabing eroplano na RPC 2296 ay lulan ang mga pasahero ay kinilalang sina Capt Jesus Hernandez, piloto; First Officer Lino Cruz Jr.; Dr. Garret Garcia; Kirk Eoin Badilla-Nurse;Yamato Togawa-Nurse; Ryx Gil Laput; Raymond Bulacja-FM at pasyenteng si Tom Carr at asawa nito.

Galing umano sa  Di­polog City, Zamboanga del Norte at patungo sa­nang Maynila matapos magsagawa ng medical airlift.

PLANE CRASH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with