Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, batay sa kanilang class calendar, kinakailangang may minimum na 200 days na klase ang mga bata kada school year.
Leonor Briones/Facebook
Kailangan ang make-up classes -- DepEd
Mer Layson (Pang-masa) - August 28, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinakailangang magsagawa ng make-up classes ang mga paaralang nagsuspinde ng pasok dahil sa masamang panahon o holiday dahil sa may apat na araw na walang pasok ngayong buwan ng Agosto.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, batay sa kanilang class calendar, kinakailangang may minimum na 200 days na klase ang mga bata kada school year.

Anya, may allowance naman sila na 6-10 days na tinatawag nilang “buffer days” at inilalaan sa mga panahon ng sakuna, biglaang kanselasyon ng klase at iba pa.

Sakaling lumampas na ang bilang ng mga sus­pensiyon ng klase ay ki­nakailangan nang magsa­gawa ng make-up classes ang mga bata upang ma­bawi ang mga araw na wala silang pasok.

Maaari rin namang i-adjust ng mga guro ang make-up classes kung ang performance naman ng mga bata sa pagsusulit ay maayos ngunit ang bottom line pa rin nito ay kung may natutunan ba ang mga mag-aaral sa school year.

Ngayong buwan ay tatlong araw na walang pasok dahil sa paggunita ng bansa sa Eid’l Adha, Ninoy Aquino Day at Araw ng mga Bayani, habang wala ring pasok kahapon sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa masamang panahon na dala ng bagyong Jenny.

LEONOR BRIONES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with