Ayon pa kay Sobejana, mayroon din mga tinatawag na “innocent passage” doon kung saan dapat ay tuwid lang ang pagdaan ng mga barko habang patungo sa bansang pupuntahan nila maliban na lamang umano kung masama ang panahon.
AFP/Guang Niu
China nag-eespiya sa Pinas-AFP
Gemma Garcia (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

Sa pagdaan ng warships nang walang paalam...

MANILA, Philippines — Malaki ang hinala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag e-espiya ang China kaya namamataan ang dalawang warship nila sa Sibutu strait malapit sa Tawi-Tawi.

Ito ang sinabi ni Wesmincom commander Lt. General Cirilito Sobejana, dahil sa lahat ng malalaking barko mula sa iba’t ibang bansa na dumaraan sa Sibutu strait ay hindi naman tinututulan dahil kailangan lang na masiguro ang kanilang kaligtasan.

Ayon pa kay Sobejana, mayroon din mga tinatawag na “innocent passage” doon kung saan dapat ay tuwid lang ang pagdaan ng mga barko habang patungo sa bansang pupuntahan nila maliban na  lamang umano kung masama ang panahon.

Naniniwala si Sobejana, na hindi “innocent passage” ang pagdaan ng China warship dahil pinapatay nila ang kanilang automatic identification system o IAS at hindi rin sumasagot sa tuwing tinatawagan sila ng AFP at mayroon silang intensyon.

May reserbasyon na rin umano ang AFP  kung papayagan pa ang Chinese warship na dumaan sa teritoryo ng Pilipinas dahil na rin sa kakulangan sa koordinasyon.

Bunsod na rin nito kaya pumasok na rin umano sa isang unilate­ral agreement ang Westmincom sa Indonesia at Malaysia forces para mag-set up ng maritima command centers para mabawasan ang maritime crimes.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with