2 bangka nagsalpukan: 4 patay
Gemma Garcia, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat katao ang namatay nang magsalpukan ang dalawang bangkang de motor nitong Sabado ng gabi sa Rio Grande, Sultan Kudarat, Ma­guindanao.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jomar Akir; Johai Salim; Hel­mie Norodin; Ustadz Elmie Norodin at ang driver ng bangka na si Pudi Giadel. kapwa residente Barangay Kati­dtuan.

Ang mga bangkay nina Akir, Salim at Norodin ay natagpuan sa Lugay-lugay, Cotabato City kahapon ng umaga. Habang ang bangkay naman ni Giadel ay natagpuan sa Barangay Bucana, Cotabato City.

Habang patuloy pang pinaghahanap sina Sidik Esmael at Pude Guiarel.

Ayon kay Sultan Kudarat Municipal Administrator, Sultan Banjoe Mampun, dakong alas-9:00 ng gabi ay galing ang isang bangka sa lungsod na may lulan na sampu katao at pagsapit sa Brgy.Bulibod ay aksidenteng nakabanggaan ang kasalubong na bangka sakay sina Tato Sultan, Pasita Akir at Kura Akir na pawang nakaligtas.

Nagsasagawa naman ng search and rescue ­operation ang mga otoridad laban sa mga nawawalang sakay ng bangka. Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung bakit nagkabanggaan ang dalawang bangka.

JOMAR AKIR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with