Kabilang sa ipatutupad ng FDA ang pag-require sa mga “manufacturers, traders, distributors at retailers” ng e-cigarettes ng pagkuha ng lisensya sa kanila para maging legal ang kanilang operasyon.
File
Mahigpit na regulasyon sa e-cigarette at vape ipapatupad
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang mailayo ang mga menor-de-edad sa masamang bisyo ay magpapatupad ang Food and Drug Authority (FDA) nang mahigpit na regu­lasyon sa produksyon at paggamit ng e-cigarettes at vape.

Ito ang sinabi ni FDA Center for Cosmetics Regulations and Research head Engineer Ana Rivera sa inilabas na administrative order nitong Hunyo 14 ng Department of Health (DOH) na nakasaad ang mga nirebisang regulasyon at panuntunan sa e-cigarettes at iba pang “electronic nicotine delivery devices”. 

Kabilang sa ipatutupad ng FDA ang pag-require sa mga “manufacturers, traders, distributors at retailers” ng e-cigarettes ng pagkuha ng lisensya sa kanila para maging legal ang kanilang operasyon.

Ngunit kailangan muna ng mga ito na kumuha ng “certificate of compliance” sa Department of Trade and Industry (DTI) na isusumite sa FDA.

Sa mga nais kumuha ng lisensya sa FDA, kailangang magbayad ng P15,000 ng mga manufacturers, P10,000 sa mga distributors at P5,000 sa mga retailers.

Ang mataas na singil para sa lisensya ay upang maiwasan ang basta na lamang pagkalat ng naturang mga produkto kung saan madaling nakakagamit ang mga kabataan.

E-CIGARETTES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with