Sa ulat, bago nangyari ang krimen ay nagpaalam ang biktima na itinago sa pangalang Vina sa magulang para pumunta sa kaibigan na si Donna.
File
Dalagita nilasing muna bago ni-rape
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilasing muna ng tatlong lalaki ang bisita nilang 14-anyos na dalagita bago ito hinalay naganap kamakalawa ng gabi sa Valezuela City.

Agad na naaresto ang tatlong suspek na sina Marc Jayson Basco, 21, estudyante, nakatira sa G. Marcelo Street, Brgy.Maysan; Raul Aniban, alyas “Ogard”, 31, binata, isang travel organizer, nakatira sa No. 75 De Galicia Street, Brgy. Maysan at Jayson Galoso, 21, estudyante.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen ay nagpaalam ang biktima na itinago sa pangalang Vina sa magulang para pumunta sa kaibigan na si Donna.

Pagdating ni Vina sa lugar ay naabutan niya si Galoso na nagyaya sa kanila na magtutungo sa bahay ni Aniban dahil sa mayroon umanong kasiyahan.

Pagdating sa bahay ay sapilitang pinainom ng mga suspek si Vina kahit na ito ay tumatanggi, ilang sandali ay umuwi na si Donna dakong alas-9:00 ng gabi.

Nang malasing si Vina dakong alas-11:00 ng gabi ay dinala sa isang kuwarto ni Aniban at pumasok si Basco at hinalay ang una na sumigaw ng saklolo ay hindi siya pinansin nina Aniban at Galoso na nasa labas ng pinto.

Dakong ala-1:00 ng madaling araw nang ihatid ni Aniban ang dalagita sa kanyang bahay sakay ng tricycle. Agad na ipinagtapat ng dalagita sa mga magulang ang nangyari sa kanya na agad na ipinaaresto sa mga pulis ang tatlo.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with