Call center agent dadalo sa hearing, itinumba
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na call center agent ang ‘di na ­umabot sa dadaluhang court hearing na may kinalaman sa away sa lupa matapos masawi nang pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang naghihintay ng masasakyang tricycle sa Purok Gemilina, Brgy San Miguel Odaca, Digos City, Davao del Sur, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Estrella Baisak Camallere, call center agent sa isang kilalang business process outsourcing (BPO) company sa Lanang, Davao City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng umaga habang naghihintay ang biktima ng masasakyang trike papunta na sana sa Regional Trial Court Branch (RTC) 18 sa Digos City nang biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng isang motor at agad na pinagbabaril ang biktima hanggang sa duguang bumulagta matapos magtamo ng tama ng bala sa tenga na tumagos sa ulo.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa ‘di nabatid na direksyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaslang.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with