2 ‘pusher’ bulagta sa buy-bust
Joy Cantos (Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang dalawang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga makaraang manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa.

Dakong ala-1:05 ng madaling araw nang mapatay ng mga tauhan ng Meycauyan City Police ang suspek na si Ronnie Bernardino alyas “Ron”,  nasa edad 36-45 anyos ng Brgy. Bancal matapos paputukan ang ka-deal na pulis na agad na nakaganti dahilan ng agarang pagkamatay ng suspek.

Narekober sa crime scene ang isang cal. 38 revolver, apat na bala ng nasabing armas, tatlong cartridge ng cal 9 MM at walong plastic sachet ng shabu saka mga drug paraphernalia.

Bumulagta naman ang isang alyas “Gerald” habang nakatakas naman ang dalawang kasapakat nito na sina Dante Malate at Kevin John Dimal sa ikinasang ope­rasyon laban sa mga ito ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police, dakong alas-7:00 ng gabi.

Narekober sa naturang operasyon ang walong sachet ng shabu, isang improvised shotgun, cartridge ng 12 gauge shotgun at tatlong cal .22 TCM cartridge.

Samantala, 17 pang drug suspects ang nasakote ng mga pulis sa serye ng operasyon sa lalawigan ng nagresulta rin sa pagkakasamsam ng 28 plastic sachet ng shabu, 25 sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at iba pa.

BUY-BUST OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with