Nang dahil sa pag-ibig… Japanese, Pinoy nagbigti
Mer Layson, Danilo Garcia (Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nang dahil sa ma­tinding pagkasiphayo sa pag-ibig, isang Japanese national at isang Pinoy ang nagpasiyang tuldukan na lang ang kanilang buhay nang magbigti sa magkahiwalay na insidente sa lungsod ng Navotas at Marikina.

Sinasabing hindi na nakayanan ng Japanese national na 70-anyos na si Hisashi Onodera ang pangungulila sa namatay niyang asawa kung kaya’t nagbigit ito gamit ang nylon cord sa loob ng inuupahang condominium unit sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City, kamakalawa.

Ang bangkay ni ­Onodera ay nadiskubre ng kanyang kaibigang si Salvacion Cosca, 59, na na­kabigti sa loob ng laundry room ng kanyang condo unit dakong alas-10:15 ng umaga.

Sa suicide note na natagpuan ng mga otoridad sa silid ng biktima, Lumilitaw na nagawa umanong kitlin ng biktima ang sari­ling buhay dahil sa labis na pangungulila sa kanyang asawa na binawian ng buhay noong Abril 10, 2019, na nagdulot sa kanya ng matinding depresyon

Nylon cord din ang ginamit sa pagbibigti ni Renante Ballentos, 25-taong gulang, isang mangingisda at nakatira sa Blk 7 Lt 1 Davila St., Brgy. Navotas West, Navotas City, matapos umanong iwan ng kanyang nobya, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-5:30 ng madaling araw nang matuklasan ng kanyang tiyahin ang nakabigting bangkay ni Ballentos sa loob ng kaniyang kuwarto.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, ilang araw na umanong nakikita ng kanyang mga kapitbahay si Ballentos na laging nilulunod sa alak ang sarili at hindi nakikipag-usap sa mga kaibigan makaraang makipagkalas ang kanyang nobya.

SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with