Birthday boy inatado sa party, todas
Jorge Hallare (Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nauwi sa madugong selebrasyon ang isang bertdeyan nang ataduhin ng taga hanggang sa masawi ng isang habal-habal driver ang mismong birthday celebrant habang sugatan naman ang isa pa habang masayang nag-iinuman naganap sa Zone-7, Brgy. La Purisima sa bayan ng Pili, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Nalagutan ng hini­nga habang ginagamot sa Mother Seton Hospital sa Naga City ang biktimang si Danilo Curona Dadis, 56-anyos, jeepney driver; habang patuloy namang inoobserbahan ang lagay ng kaibigang si Benjamin Navarro, 35-anyos, pa­wang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi habang masayang nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang biglang dumating ang suspek na si Hermoso Deretso Merelos, 58-anyos na armado ng itak.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang pinagtataga ng suspek si Dadis sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Sinubukang umawat sana ng kaibigang si Navarro pero pati siya ay pinagtataga ng suspek.

Agad isinugod ang duguang mga biktima sa hospital kung saan namatay si Dadis habang ginagamot.

Naaresto naman ng mga rumespondeng mga pulis ang suspek na si Merelos.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with