Bakbakan sa Samar: 2 sundalo, 2 NPA dedo
Joy Cantos (Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa ang nasawi sa hanay ng militar habang dalawa rin ang nalagas sa panig ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang sumiklab ang isang engkuwentro sa liblib na lugar sa Brgy. Olera, Calbayog City, Samar nitong Biyernes.

Ayon kay Major Bard Caesar Mazo, tagapagsalita ng Army’s 8th Infantry Division (ID), dakong alas-7:15 ng umaga nang maganap ang bakbakan matapos masabat ng mga sundalo ang grupo ng mga rebelde na pinamumunuan ni Ka Salvador Nordan alyas “Badok”/“Gahi” habang nangongolekta  ng revolutionary tax ang mga ito sa mga sibilyan sa lugar.

Inabot ng halos dalawang oras ang palitan ng putok kung saan ay napaslang ang dalawang reb elde habang dalawa rin sa tropa ng pamahalaan ang nagbuwis ng buhay.

Ang mga rebelde ay mabilis na nagsitakas bitbit ang mga nasugatan sa kanilang panig.

Narekober naman ng tropa ng pamahalaan sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang M-14 rifles na gamit ng dalawang napatay na NPA rebels.

“It is very sad to note that with the sacrifice of two soldiers, two more NPA terrorists who are victims of deception also died for a senseless cause, wasting their lives in their failed armed revolution”, pahayag naman ni Major Gen.Pio Dinoso III, Commander ng Army’s 8th Infantry Division (ID).

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with