5-anyos todas sa ‘holen gun’ ng pinsan
Joy Cantos (Pang-masa) - August 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 5-anyos na batang lalaki matapos na siya ay aksidenteng mabaril ng “holen gun” na kanyang menor de edad na pinsan, kamakalawa ng gabi sa Parang, Maguindanao.

Ang nasawi ay kinilalang si Ali, na nagtamo ng tama ng balang holen sa ulo.

Ang holen gun ay gawa sa improvised na PVC (polyvinyl chloride) pipe gun powered na ginagamitan ng alcohol at mga holen ang bala.

Sa report ni Parang Municipal Police Station (MPS) Police Lt. Colonel Ebrahim Jambiran, nangyari ang insidente sa isang liblib na lugar sa Sitio Mangosteen, Brgy. Gumagadong-Calawag pasado alas-12:00 ng tanghali nang aksidenteng nakalabit ng pinsan ang dalang holen gun at tumama sa ulo ng biktima na duguang napalupasay sa insidente.

Bagaman nagawa pang maisugod sa paga­mutan sa lungsod ng Cotabato ay idineklara na itong dead on arrival.

Ayon kay Jambiran ang holen gun ay ginagamit sa pangha-han­ting ng mga ibon at pambugaw ng mga unggoy na umaatake sa mga pananim na hindi ikinokonsiderang deadly weapons at ito lang ang unang pagkakataon na may namatay.

Nanawagan naman ang pulisya sa mga residente na tigilan na ang paggamit ng nasabing improvised na armas upang maiwasang maharap sa kasong kriminal.

HOLEN GUN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with