CEO ng ‘investment scam’ sinalvage
Joy Cantos (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang wanted na Chief Executive Officer (CEO) ng isang “investment scam” sa Davao ang hinihinalang sinalvage matapos matagpuan ang bangkay nito na nakagapos ang mga kamay at may tama ng bala sa ulo at dibdib sa Brgy. Cansomoroy, Balamban, Cebu.

Ang biktima ay nakilalang si Armando Bernaldez Oppus, 34, ng Doña Vicenta , Davao City, CEO ng Crowd Royals Real State Services na nakabase sa Digos City, Davao del Sur .

Ang nasabing investment firm ay kabilang sa 22 investment scams na tinukoy ng Securities and Exhange Commission(SEC) na binalaan ang publiko na huwag magpalinlang dito.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:40 ng gabi kamakalawa nang matagpuan ang biktima na itinapon ang bangkay sa kahabaan ng Cebu Transcentral Highway sa Sitio Buli, Brgy Cansamoroy, Balamban , Cebu na may tama ng bala sa ulo at dibdib at nakagapos na ang mukha nito ay tinakpan ng boxer short.

 Natukoy lamang ang pagkakakilanlan sa biktima sa pamamagitan ng kanyang passport na nakuha sa isang kulay puting sports utility vehicle na sinunog ng mga salarin saka itinapon sa isang bangin sa Brgy. Sunog sa Balamban.

Narekober sa crime scene ang mga bala ng cal. 45 pistol at limang kilometro naman mula sa kinatagpuan ng bangkay nito ay nakuha ang Isuzu Mux na sinunog ng mga salarin.

Si Oppus at dalawa pang kasamahan nitong opisyal ng Crowd Royal na sina Edmon Quinones, Finance at Judy Ann Delatina–Estrella ay wanted sa P400-M large scale estafa.

Malaki ang paniwala ng pulisya na may kinalaman sa investment scam ang motibo ng krimen.

INVESTMENT SCAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with