Drug ops: 2 miyembro ng sindikato, napatay
Mer Layson (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Buratong drug syndicate ang nasawi makaraang makipagbarilan sa mga otoridad sa isang buy bust operation sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Ang dalawang napatay na suspek ay kinilalang sina Jalal Salamoden, alyas ‘Bon Jovie’ nasa hustong gulang, ng Blk 29, Addition Hills, Mandaluyong City at Sampiano Rason, alyas ‘Sonny’ ng Laurel St., Gate 1, Litehome Subd. Brgy. Rosario, Pasig City.

Bago naganap ang shootout, dakong alas-2:00 ng madaling araw sa harap ng isang convenience store at gasoline station sa Felix Ave., kanto ng Kabayanihan St., Brgy. Dela Paz, Pasig City ay nagsagawa ng buy bust operation ang pulisya laban sa dalawang suspek.

Dito ay nakatunog ang dalawang suspek na isang undercover agent ang kanilang naka-transaksiyon kaya bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang pulis na masuwerteng hindi naman tinamaan.

Tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo kaya hinabol sila at nagkaroon ng ‘running gun battle’ hanggang sa makorner at sa halip na sumuko ay lumaban umano ang mga ito kaya’t napatay.

Narekober ng pulisya mula sa dalawang suspek ang isang kilo ng droga na nagkakahalaga ng P6.8M, isang kalibre 45, isang 9MM na baril, mga bala at tricycle na kanilang ginagamit.

Ang sindikato ay itinatag si Amin Imam Buratong na ngayon ay nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) na siyang nasa likod ng “Shabu Tiangge” sa Mayapa Compound, Brgy. Sto.Tomas, Pasig City.

DRUG SYNDICATE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with