^

Police Metro

China sa Pinas: ‘Ban all online gambling’

Malou Escudero - Pang-masa
China sa Pinas: �Ban all online gambling�
Ang panawagan ng China ay sa gitna nang naging desisyon ng Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isuspinde ang pagbibigay ng lisensiya sa mga aplikante ng Philippine Offshore Gaming Operations.
Tory Ho/AFP

MANILA, Philippines — Ang pamahalaan ng bansang China ang mismong nanawagan sa gobyerno ng Pilipinas na ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling kung saan sangkot ang mga Chinese nationals.

Ang panawagan ng China ay sa gitna nang naging desisyon ng Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isuspinde ang pagbibigay ng lisensiya sa mga aplikante ng Philippine Offshore Gaming Operations.

Nagpahayag ng pag-asa si Chinese Ministry Spokesman Geng Shuang na mas palalakasin pa ng gobyerno ng Pilipinas ang pagtugis sa mga kriminal kabilang ang mga online gambling. 

Binanggit din ni Shu­ang na ang pagpapalakas ng law enforcement ay makakatulong para sa pagpapatatag ng bilate­ral relations, katahimikan at stability sa rehiyon.

Ang transcript ng briefing ni Shuang ay inilabas ng Chinese Embassy sa Manila.

Nauna ng inihayag ng embahada ng China na ilegal ang sugal sa kanilang bansa at ang mga nais magsugal ay kinakailangan pang magbiyahe sa ibang bansa.

Nagpahayag na rin nang pag-aalala si Defense Secretary Delfin­ Lo­renzana at ilang mambabatas sa pagsulputan ng mga POGOs sa bansa na itinatayo pa malapit sa mga kampo ng militar at nais nilang ilipat at ilayo ang mga ito.

vuukle comment

ONLINE GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with