^

Police Metro

Insidente ng kidnapping tumaas dahil sa POGO

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Spokesman Police Lt. Colonel Elmer Cereno, na tumaas ang mga insidente ng kidnapping for ransom (KFR) sa bansa kaugnay ng pagdami ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na aabot sa 200,000 Chinese ang mga empleyado.

Nabatid na Hunyo 9, 2019 ay nasa 56 ang lisensiyadong POGO sa bansa na kung saan ay aabot sa 100,000 hanggang 250,000 ang empleyadong Chinese national.

Dahilan sa pagtaas ng kidnapping na may kinalaman sa casino gambling operations ay magdedeploy ng dalawang teams sa itatayong mga satellite offices malapit sa mga hotel at pasilidad ng mga casino na karaniwang dinaragsa ng mga turista.

Simula noong 2017, nakapagtala ang PNP-AKG ng 53 kaso ng kidnapping na may kinalaman sa pagkakalulong sa casino habang nasa 120 Chinese kidnappers naman ang nasakote na responsable sa pagdukot sa 57 biktima na karamihan ay mga Intsik.

Ang mga biktima ng kidnapping ay kagagawan umano ng Chinese loan shark syndicate na ang modus operandi ay pa­utangin ang mga ito ng panlaro sa casino at kapag walang naibayad ay kinikidnap, tinotorture na ang video ay ipadadala sa pamilya ng mga ito para magbayad ng ransom.

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with