^

Police Metro

Ama pinatay ng anak

Mer Layson - Pang-masa
Ama pinatay ng anak
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, bago nangyari ang krimen dakong alas- 6:00 ng gabi sa bahay ng pamil­ya Pines ay nakita ni Dominic na nag-aaway ang mga magulang na sina Deomedes at Mona sa harap ng kanilang bahay.
File

Umawat sa away ng magulang...

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 53-anyos na ama matapos siyang hatawin ng sagwan sa ulo ng kanyang anak, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Deomedes Gora Pines, may-asawa, construction worker at residente ng No. 175 Area-5, Luzon Ave., Brgy. Old Balara. Agad namang naaresto ang suspek na si Dominic, 24, binata, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), bago nangyari ang krimen dakong alas- 6:00 ng gabi sa bahay ng pamil­ya Pines ay nakita ni Dominic na nag-aaway ang mga magulang na sina Deomedes at Mona sa harap ng kanilang bahay.

Lumabas ng bahay si Dominic at inawat ang mga magulang su­balit hindi nagpaawat ang ama at kumuha ng pa­yong at hinambalos sa una.

Nagalit si Dominic at kumuha ng sagwan na kahoy at hinataw sa ulo ang ama na duguang bumagsak sa semento.

Isinugod ang biktima ng kanyang misis sa East Avenue Medical Center, subalit idineklara rin itong patay. Nahaharap sa kasong parricide ang suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with