SAF commander tinodas ng tauhan
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 21, 2019 - 12:00am

Binaril sa loob ng opisina...

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang opisyal ng PNP- Special Action Force (SAF) nang barilin ng kanyang tauhan sa gitna ng kanilang pagtatalo sa loob ng opisina sa Camp Bagong Diwa Taguig City kamakalawa ng hapon. 

Kinilala ang napatay  na si P/Maj ­Emerson Palomares, 30, commanding officer ng 125 SAC, SAF Camp Bagong Diwa, nakatira sa No. 535 Washington St., District 3, Gamu, Isabela.

Agad namang naaresto ang suspek na si P/MSgt Sanwright Lobhoy, 41, nakatira sa Purok 4, Bulanao, Tabuk, Kalinga.

Sa ulat bago naganap ang krimen dakong alas-4:40 ng hapon sa loob ng Office of the Commanding Officer ng 125 SAC-FSB, SAF sa Camp Bagong Diwa, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Palomares at Lobhoy.

Dito ay hindi humupa ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa bumunot ng baril si Lobhoy at paputukan si Palomares.

Ang biktima ay dinala sa Parañaque Doctors Hospital ngunit nalagutan ng buhay dakong alas-5:23 ng hapon.

Sa inisyal na im­bestigasyon ay selos ang motibo nang pagpatay ni Lobhoy sa kanyang superior dahil sa nakita nito sa call registry ng cellphone ng misis ang pangalan ni Palomares.

Subalit, lumalabas na kaya nakarehistro ang pangalan ni Palomares sa cellphone ng misis ni Lobhoy ay dahil sa hindi makontak ang mister.

SPECIAL ACTION FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with