780 pasahero ng MRT, pinababa
Ayon sa Department of Transportation, dakong ala-1:01 ng hapon nang magkaaberya ang tren sa southbound lane ng Ayala Station.
DOTr FB Page
780 pasahero ng MRT, pinababa
Mer Layson (Pang-masa) - August 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 780 pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ang pinababa matapos na magkaroon ng aberya sa Ayala Station dahil sa electric failure, kahapon ng hapon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dakong ala-1:01 ng hapon nang magkaaberya ang tren sa southbound lane ng Ayala Station.

Kaagad rin namang nailipat sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero matapos ang 11 minuto at naihatid ng ligtas sa kani-kanilang destinasyon.

Ayon sa DOTr-MRT3, ang electrical failure ay dulot ng mga luma nang electrical sub-components, gaya ng main chopper, regulator, at insulator.

Kabilang anila sa remedial measure na kanilang isinagawa ay preventive maintenance at pagpapalit ng mga nasi­rang electrical components.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION METRO RAIL TRANSIT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with