Paglikha ng LGBTQ Commission, pinag-aaralan ni Duterte
MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng LGBTQ Commission sa pamamagitan ng isang executive order.
Ito ang inihayag kahapon ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go matapos ang isinagawang pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality tungkol sa mga panukalang batas na naglalayong mahinto ang diskriminasyon dahil sa “sexual orientation and gender identity or expression (SOGIE) na kalimitang nararanasan ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer).
Inimbestigahan din ng komite ang nangyaring insidente sa Quezon City kung saan hindi pinayagang makagamit ng toilet na para sa mga babae ang transgender woman na si Gretchen Diez.
Tiniyak ni Go na suportado ng Pangulo ang LGBTQ community at maging ang pagpasa ng SOGIE bill.
- Latest