Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-10:40 ng gabi ay masayang nagkakainan at nag-iinuman ang bagong kasal na sina Joyce Ann Reynada, 31 at Reggie Tolosa nang dumating na galit na galit at armado ng baril ang suspek na pulis at binaril ang bride na si Sanchez, subalit ang tinamaan ay ang groom na si Tolosa sa hita.
File
Pulis nag-amok sa reception
Joy Cantos, Omar Padilla (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

Utol ng bride patay, groom sugatan...

MANILA, Philippines — Hindi umano matanggap ng isang pulis ang pagpapakasal ng kanyang da­ting nobya kaya’t sinugod nito ang wedding reception at namaril na ikinasawi ng utol ng bride at pagkasugat ng groom, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Citrus, San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama ng bala sa katawan at ulo ay kinilalang si Margarette Cleavan Rosal, 26, binata at residente ng UC2 Upper, Area G, ng nasabing barangay.

Naaresto naman ang suspek na si Patrolman Jessie Gubat, 27, nakadestino sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cabanatuan City at residente ng TC 11, ng nasabing barangay.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-10:40 ng gabi ay masayang nagkakainan at nag-iinuman ang bagong kasal na sina Joyce Ann Reynada, 31 at Reggie Tolosa nang dumating na galit na galit at armado ng baril ang suspek na pulis at binaril ang bride na si Sanchez, subalit ang tinamaan ay ang groom na si Tolosa sa hita.

Dito ay hinabol ni Rosal na utol ng bride ang pulis at nang magpang-abot ay nagpambuno sa baril ang mga ito hanggang sa mabaril sa tiyan ang pulis.

Tumakbo papasok ng bahay ang pulis para kunin ang isa pa niyang baril at doon niya pinagbabaril sa ulo at katawan ang biktima na namatay noon din. Habang dinala sa pagamutan ang suspek at ang groom.

Nabatid na matinding selos ang ugat nang pagwawala ng suspek at hindi matanggap na nagpakasal na ang kanyang dating nobya na si Sanchez.

MARGARETTE CLEAVAN ROSAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with