2 pick-up nagsalpukan: 2 utas, 3 kritikal
Raymund Catindig (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang katao habang tatlo ang malubhang nasugatan kabilang ang isang pulis nang magsalpukan ang dalawang Isuzu pick-up sa Barangay Taggat Sur, Claveria Cagayan kahapon ng madaling araw.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Ramon Basilio, 44 at Joselito Unida, 24.

Habang malubhang nasugatan sina P/MSgt. Joemel Alejandro ng Gonzaga Police Station; Marvin Andrade, 30; at Jessa Pasion, 24, kapwa ng Brgy. San Antonio, Iligan City.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng mada­ling araw ay mabilis na binabaybay ni Basilio ang kahabaan ng highway at pagdating sa bahagi ng zigzag na daan ay nawala sa kanyang linya at nasalpok ang kasalubong na pick-up na minamaneho ni Alejandro.

Ang mga biktima ay dinala sa Northern Cagayan District Hospital na kung saan idineklarang dead-on- arrival si Basilio at Unida.

RAMON BASILIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with