Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang engkuwentro dakong alas-5:15 ng madaling araw ay binabagtas ng biktimang si Analyn Cortez Bonafe, 25, CCTV operator ang kahabaan ng West Service Road sa Brgy. 161 sakay ng kanyang Mio type scooter nang harangin siya ng dalawang lalaki lulan din ng isang motorsiklo.
File
Karnaper ng motor, dedo sa shootout
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaking suspek sa pagtangay ng motorsiklo ang nasawi nang ito ay makipagbarilan sa mga pulis na humahabol sa kanya kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa napaslang na suspek na inilarawan na nakasuot ng itim na pantalon, itim na jacket at itim na helmet.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang engkuwentro dakong alas-5:15 ng madaling araw ay binabagtas ng biktimang si Analyn Cortez Bonafe, 25, CCTV operator ang kahabaan ng West Service Road sa Brgy. 161 sakay ng kanyang Mio type scooter nang harangin siya ng dalawang lalaki lulan din ng isang motorsiklo.

Tinutukan ng baril si Bonafe, ng isa sa mga suspek at inagaw ang kanyang scooter, sabay takas.

Nakahingi ng saklolo ang biktima sa pulisya na nagpakalat ng “flash alarm” at nagsagawa ng follow-up operation hanggang sa namataan ang da­lawang suspek malapit sa lugar ng carnapping.
Dito nakipagbarilan umano ang mga suspek sa mga pulis hanggang sa mapuruhan ang isa sa kanila.

Narekober ng mga pulis ang Yamaha Mio sporty scooter ni Bonafe at baril na ginamit ng suspek sa shootout.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with