Ayon pa kay Angara, iginugol ni Lopez ang kanyang buhay sa pagbibigay tinig at lakas sa mga mamamayan na hindi napagkakalooban ng pagkakataon at ng mga sektor na tila nakalimutan na ng lipunan.
Gina Lopez pinuri ng mga senador
Malou Escudero (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinuri kahapon ng ilang senador si dating Environment Secretary Gina Lopez na pumanaw kahapon sa edad na 65.

Ayon kay Senator Sonny Angara, bagaman at hindi nakumpirma bilang kalihim ng DENR, si Lopez ang maituturing na natatanging kinatawan ng kalikasan para sa mamamayan.

Ayon pa kay Angara, iginugol ni Lopez ang kanyang buhay sa pagbibigay tinig at lakas sa mga mamamayan na hindi napagkakalooban ng pagkakataon at ng mga sektor na tila nakalimutan na ng lipunan. 

Idinagdag pa ni Angara, walang hindi tinutupad si Lopez sa kanyang mga sinasabi at kung ano ang ipinapayo nito sa kapwa, siya rin niyang ginagawa.

Ayon naman kay Senator Grace Poe, tinuruan ni Lopez ang mga mamamayan na mahalin ang lahat lalo na ang kalikasan.

Nagpasalamat din si Poe na ibinahagi ni Lopez ang kanyang buhay sa mga mamamayan.

 Si Lopez din aniya ang maituturing na pinaka-sikat na naging kalihim ng DENR na isa ring “child protection advocate” sa pamamagitan ng kanyang Bantay Bata Program.

GINA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with