^

Police Metro

Kidnaper na Chinese, nasakote

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang Chinese national na sangkot sa pagdukot sa kapwa nito Chinese na nasagip sa isang hotel sa Pasay City, kamakalawa.

Iprinisinta ni PNP-AKG Spokesman Police Lt. Col. Elmer Cereno ang nasakoteng suspect na si Libu Xu at ang nasagip na biktimang si Xiaoguo Bian, 25, tubong Shandong, China.

Patuloy namang pinaghahanap ang lima pang kasamahan ni Xu na pawang sangkot sa loan shark kidnapping group.

Sa ulat, ang biktima ay natalo sa casino at upang makabawi ay ­inalok umano ng pautang na umabot sa kabuuang P1.5 M na ang interes ay P 500.000 ng sindikato nina Xu, pero naubos ang nasabing pera sa paglalaro nito ng baccarat sa Midas Hotel & Casino sa Pasay City.

Nabatid na ang biktimang si Xiaoguo ay dinala sa Pasay Police Station noong Agosto 11 ng apat na Chinese nationals at inireklamo na hindi nakabayad ng utang kung saan dahilan abala ang imbestigador ay ikinulong muna ang biktima sa nasabing jail facility.

Agad naman itong pinakawalan ng mga pulis matapos na lumitaw sa pagsisiyasat na walang sapat na batayan para ikulong ang biktima.

Sinabi ni Xiaoguo na humiram siya ng P1.5 M mula sa casino financier na tinukoy nito sa pangalang Ah Hua sa Midas Hotel at nabigong mabayaran ang utang gayundin  ang interes nitong P 500,000 kaya kinidnap at ipiniit siya ng sindikato sa isang safehouse mula Hulyo 29 hanggang 31 at ipinatutubos ng P300,000.

Nasagip ang biktima sa rescue operation ng mga operatiba sa Midas Hotel sa Pasay City matapos na dalhin muli rito ng mga suspect.- -

vuukle comment

PNP-ANTI KIDNAPPING GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with