Sa ulat, bago nangyari ang krimen, dakong alas-6:00 ng gabi sa Anonas Road, kanto ng Pajo St., Brgy. Quirino 2A, Project 2, Quezon City ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at pauwi na sana ng kanilang bahay matapos ang duty nito nang sundan ng mga suspek at kaagad na pagbabarilin.
File
Pulis-QC patay sa ambush
Mer Layson (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang pulis matapos na ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima na nasawi ay kinilalang si P/M Sgt. Anthony Lacson, 40, desk officer ng Anonas Police Station-9 at residente ng 280 Twinville, Brgy. Manuyo 1, Las Piñas City.

Kaagad namang bumuo si Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Bigadier General Joselito T. Esquivel Jr., ng Special Investigation Task Group (SITG) na tinawag na“SITG Lacson”.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, dakong alas-6:00 ng gabi sa Anonas Road, kanto ng Pajo St., Brgy. Quirino 2A, Project 2, Quezon City ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at pauwi na sana ng kanilang bahay matapos ang duty nito nang sundan ng mga suspek at kaagad na pagbabarilin.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek nang duguang bumulagta ang biktima.

Tiniyak naman ni Esquivel na hindi sila titigil hangga’t hindi naaaresto at napapanagot sa batas ang mga suspek.

Inilarawan ang mga suspek na nasa 5’6” ang taas, medium built, nakasuot ng itim na jacket, maong pants at itim na helmet, habang ang back rider nito, na siya ring bumaril sa biktima ay nasa 5’7” ang taas, medium built, nakasuot ng itim na jacket, maong pants at pu­ting helmet.

AMBUSH ANTHONY LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with