Nanindigan din si Yap, na chairman din ng House Committee on Games and Amusement, na kaila­ngang sumunod sa mga batas ng bansa ang lahat ng manggagawang Chinese na narito ngayon sa Pilipinas tulad ng pagsunod ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa batas sa ibang bansa.
Edd Gumban
Solon: Chinese workers dapat sumunod sa batas ng Pinas
(Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Legal man o illegal ang pagpasok ng Chinese nationals na nagtatrabaho sa bansa ngayon ay dapat silang sumunod sa batas ng Pilipinas.

Ito ang reaksiyon ni ACT-CIS Partylist Cong. Eric Yap hinggil sa isyu nang pagdami ng mga Chinese nationals sa bansa, gayundin nang mapanood ang isang Facebook post kung saan pinayagan ng isang babaeng Chinese ang kanyang anak na dumumi sa dagat ng Boracay at ibaon pa ang diaper nito sa dalampasigan.

“Daan-daang milyon ang ginasta para malinis ang Boracay at nagtiis tayong lahat na hindi makapunta sa lugar ng yan ng ilang buwan, tapos dudumihan lang ng isang foreigner?” ayon sa bagitong mambabatas.

Nanindigan din si Yap, na chairman din ng House Committee on Games and Amusement, na kaila­ngang sumunod sa mga batas ng bansa ang lahat ng manggagawang Chinese na narito ngayon sa Pilipinas tulad ng pagsunod ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa batas sa ibang bansa.

Tinukoy din ni Yap ang isang post sa Facebook ni Manila Mayor Isko Moreno kamakailan  kung saan sinita nito ang isang Chinese worker na naninigarilyo sa isang parking lot ng isang gusali kahit na may nakapaskil na “No Smoking” sign. 

Nang sitahin ng alkalde ay tila dinedma pa siya nito, sabay talikod ngunit hindi nagpasindak si Moreno at sa halip ay inutusan ito na pulutin ang upos ng kanyang sigarilyo. 

Dismayado si Yap na tila nalilimutan ng mga dayuhang manggagawang ito na nasa ibang bansa na sila at dapat galangin ang mga batas ng bansa kung saan sila naroroon.

Sinang-ayunan din nito ang panukalang pagtatayo ng mga “hub” o lugar kung saan ilalagak ang lahat ng offshore casino operations kasama na ang mga em­pleyado nito na pawang mga Chinese nationals, upang maging mas madali aniya ang pagdodokumento at pagmo-monitor sa mga ito.

CHINESE NATIONALS ERIC YAP HINGGIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with