Korap na PhilHealth officials kakasuhan- Sen. Bong Go
(Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kakasuhan ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa pagnanakaw ng bilyun-bilyong pondo ng ahensiya sa pamamagitan ng “fraudulent claims”.

Ito ang tiniyak ni ­Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, na siyang chairman ng Senate on Health dahil sa walang puwang ang korapsyon sa administrasyon ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

“Hindi po ako papayag na hindi managot ang mga dapat managot. Kahit sa huling sentimo na pera ng gobyerno ay dapat wala pong masa­yang dahil iyan ay mula sa kontribusyon ng taumbayan” pahayag ni Sen. Go.

Sinagot din ng bagitong senador mula sa Davao City ang patutsada ng ilang oposisyon senators na hindi kayang parusahan ng adminstrasyong Duterte ang mga corrupt PhilHealth officials.

Aniya, “Huwag silang magsalita ng tapos dahil baka mapahiya sila”

Una nang inamin ng mga dating opisyal ng PhilHealth na may “mafia” sa loob ng kanilang tanggapan na kasabwat umano ang mga tiwaling may-ari ng hospital at medical facilities kaya naisasagawa ang pekeng claim o refund.

Lumabas din sa se­nate inquiry na matagal ng ginagawang ‘gatasan’ ng mga tiwaling healthcare facilities at mga korap na opisyal ng PhilHealth.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with