^

Police Metro

4 Tsino tiklo sa kotong

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na Chinese national ang inaresto ng mga tauhan ng Makati City Police dahil sa pangongotong umano ng mga ito sa kapwa nilang Chinese, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Inisyal na kinilala ang mga nadakip na sina Zhang Xu, 30; Liyu Han, 20; Xhou Jurfeng, 24; at Leng Shung, 20; pawang nakatira sa isang condominium building sa Kalayaan Ave., Brgy. Pinagkaisahan, sa naturang siyudad.

Sa ulat ng pulisya, unang dumulog sa kanila ang biktimang si Wang Jiangwen, at inireklamo ang apat na nanghihingi sa kanya ng pera.

Sa kanyang salaysay, nakipagkilala sa kanya ang mga susepk sa tapat ng Chinese Embassy sa Gil Puyat Ave., Makati at nagsabing mga fixer sila saka nag-alok ng kanilang serbisyo sa pagre-renew ng expired na visa.  Dito kinuha ng mga suspek ang kanyang pasaporte at maging ang kanyang visa.

Nagduda na ang biktima nang hingan siya ng 2,000 Yuan o halos P15,000 para maibalik sa kanya ang mga dokumento.  Dito na humingi ng saklolo si Wang sa pulisya.

Nagkasa ng entrapment operation ang pulisya dahilan para madakip ang apat na suspek nang tanggapin ang marked money buhat sa biktima.

vuukle comment

KOTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with