^

Police Metro

Nang-agaw ng mikropono, kinatay

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang 23-anyos na construction worker matapos ataduhin ng saksak sa dibdib ng kanyang katomaan makaraan umanong agawan ng mikropono sa videoke sa isang birthday celebration sa Brgy. Aurora, Quezon, Isabela kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jhun Ramirez habang ang tumakas na suspek ay si Rey Borja, 43-anyos.

Sa ulat ng pulisya, pinagsasaksak si Ramirez ni Borja habang kumakanta dakong alas-10:00 ng gabi.

Nabatid na nagngitngit si Borja nang malamang kinuha ni Ramirez ang mikropono at inawit ang kantang matagal na niyang hinihintay na tumugtog.

Tugis na ngayon ng mga otoridad ang tumakas na suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with