^

Police Metro

Barilan sa sabungan: 4 dedo

Joy Cantos - Pang-masa
Barilan sa sabungan: 4 dedo
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Juancho Basad, dating miyembro ng Cafgu Active Auxiliary (CAA), kasama nitong sibilyan na si ­Winifredo Guballo; pawang nagtamo ng malulubhang tama ng bala sa bakbakan.
File

MANILA, Philippines — Apat na katao ang tumimbuwang kabilang ang isang dating miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) at dalawang sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA) nang magbarilan sa loob ng isang cockpit arena o sabungan sa Sulat, Eastern Samar, noong Biyernes ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Juancho Basad, dating miyembro ng Cafgu Active Auxiliary (CAA), kasama nitong sibilyan na si ­Winifredo Guballo; pawang nagtamo ng malulubhang tama ng bala sa bakbakan.

Patuloy namang ­inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa dalawang sinasabing miyembro ng hit squad ng NPA rebels na nakabarilan nina Basad at Guballo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:00, kasalukuyang nasa loob ng sabungan sina Basad at Guballo nang bigla silang lapitan ng dalawang armadong NPA rebels at pinaputukan na agad din namang gumanti bunsod upang magkabarilan ang mga ito.

Nagawang putukan at mapatay ni Basad ang isa sa mga miyembro ng NPA hit squad bago pa man ito tuluyang napuruhan ng dalawang rebelde kung saan nadamay sa insidente ang kasama nitong si Guballo.

Samantalang ang isa pang rebelde ay napatay naman ng nagrespondeng mga operatiba ng pulisya.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with