^

Police Metro

Murang kuryente mararamdaman sa Oktubre o Nobyembre

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng sa Oktubre o Nobyembre ng taong ito ay mararamdaman na ng mga consumers ang murang kuryente.

Ito ang tiniyak ni Senator Sherwin Gatchalian batay sa Murang Kuryente Act ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na kung saan ay hindi na ang mga consumer ang sasalo ng universal charge na ginagamit sa pambayad ng utang.

Sa halip, gagamitin na ang kita taun-taon mula sa Malampaya funds para ibayad sa utang kaya mawawala na ang universal charge na pinapasan ng mga consumers.

Sinabi pa ni Gat­chalian na ang Department of Finance at Department of Energy ang naatasan na maglabas ng implemen­ting rules and regulations para agad na maramdaman ng mga consumers ang batas.

Sa ngayon ay umaabot sa siyam na centavos per kilowatt hour ang universal charge at kung hindi ito matatanggal ay aabot ng hanggang 90 centavos sa susunod na anim na taon.

Inihalimbawa nito ang isang ordinaryong consumer na gumagamit ng nasa 200 kilowatt kada buwan na makakatipid ng nasa P190.00 kada buwan na maari na umanong ipambili ng nasa 4 hanggang 5 kilong bigas.

vuukle comment

KURYENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with