Iniharap sa media ang nadakip na drug suspect na si Arnold Emmanuel Dy sa isang buy-bust operation at nakumpiska ang 465 tabletas ng ecstacy na nagkakahalaga ng P1.4 milyon.
Boy Santos
Mister tiklo sa P1.4-M ecstasy
Mer Layson (Pang-masa) - August 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang mister ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation at nakumpiska ang P1.4-M halaga ng ecstasy kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Kinilala ni PDEA Dir. Aaron Aquino ang suspek na si Arnold Emmanuel, nasa hustong gulang, residente ng Eastwood, Barangay Bagumbayan ng lungsod.

Sa report, dakong alas-12:59 ng madaling araw nang ikasa ng PDEA ang buy-bust operation laban sa suspek makaraang makakuha ng impormasyon na nagbebenta ito ng ipinagbabawal na ‘party drugs’.

Isang ahente ng PDEA ang nagkunwaring bibili ng ecstasy at habang aktong inaabot ng suspek ang bawal na gamot ito ay pinosasan.

Nabawi pa mula sa suspek ang 465 na tableta ng ecstasy na tinatayang nagkakahalaga ng P1.4-M.

Ang suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ECSTASY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with