Energy chief dedma sa direktiba ni Duterte sa renewable energy
(Pang-masa) - August 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga miyembro ng Power for People (P4P) kay Energy Secretary Alfonso Cusi na huwag nang upuan sa halip ay ipatupad ang implementasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagpapaunlad ng Renewable Energy (RE) at bawasan ang paggamit ng uling o carbon.

Ayon kay Gerry Aran­ces, convenor ng P4P at tagapagsalita ng consumer group na Murang Kuryente, igigiit nila na i-formalize na ang direktiba ng Pangulong Duterte ukol sa RE at carbon sa pamamagitan ng Executive Order.

Binigyang diin naman ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) National Coordinator Ian Rivera na ang DOE sa ilalim ni Cusi ay nagsilbing ‘instrumental’ para sa pagsusulong ng coal projects sa bansa na idineklara bilang ‘Energy Projects of National Significance’.

Nabatid na inaprubahan ng DOE bilang head agency, ng Energy Investment Coordinating Council (EICC) ang kontro­bersiyal na proyekto, gaya ng 1,200 MW Atimonan power station at 15 MW DMCI-backed coal po­werplant sa popular tourist destination, sa Palawan.

RENEWABLE ENERGY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with