2 gabinete ni Digong iniimbestigahan sa korapsyon
MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na dalawang miyembro ng gabinete ang kanilang iniimbestigahan.
Tumanggi namang pangalanan ni Comm. Belgica ang 2 miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na subject ng imbestigasyon ng PACC dahil sa akusasyon ng corruption.
Ayon kay Belgica, nagsimula ang imbestigasyon sa 2 cabinet member noong Pebrero 2019 isinampa ang reklamo sa mga ito sa kanilang tanggapan.
Inaasahan naman ni Belgica na matatapos na nila ang isinasagawang imbestigasyon sa 2 gabinete at isusumite nila ang report kay Pangulong Duterte para sa magiging aksyon nito.
Idinagdag pa ng PACC official, cooperative naman ang 2 miyembro ng gabinete sa ginagawa nilang imbestigasyon sa mga ito bunga ng reklamo ng private individuals sa alegasyon ng corruption.
- Latest