Sinabi ni Sec. Año, bagama’t may nakasaad sa batas na ‘exception’ dapat alalahanin ng mga tauhan ng gobyerno lalo na ang mga kasapi ng Philippine National Police na ang kanilang serbisyo ay sapat naman nang nababayaran.
Pulis na tatanggap ng regalo, kakasuhan
Mer Layson (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang sinumang pulis na tatanggap na pera at regalo.

Ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduar­do Año na sinumang police officers na mapapatunayang guilty sa pag-solicit, pagtanggap ng regalo at pera na may kaugnayan sa kanilang trabaho bilang law enfor­cers ay mahaharap sa kaso.

Sinabi ni Sec. Año, bagama’t may nakasaad sa batas na ‘exception’ dapat alalahanin ng mga tauhan ng gobyerno lalo na ang mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) na ang kanilang serbisyo ay sapat naman nang nababayaran.

Aniya ang buwis ng taumbayan ang ibinaba­yad sa mga tauhan ng pamahalaan kaya hindi na kailangan pang regaluhan.

Hindi lamang ang mga pulis kundi maging ang mga empleyado ng DILG, Local Government Unit (LGU) na tatanggap ng regalo o pera habang ginagampanan ang tungkulin ay maaaring silang sibakin sa tungkulin.

Ipinaliwag ni Año, ang regalo na may kapalit na anumang pabor ay maaaring ‘suhol’ na maliwanag na isang paglabag sa batas.

DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT EDUAR­DO AñO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with