Pangulo ng bus firm kinondena ang police brutality
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - August 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maghahain ng writ of amparo ang pangulo ng Vallacar Bus Transit na si Roy Yanson sa Supreme Court upang payagan silang makalabas at makapasok sa kanilang opisina sa Ceres Compound, Purok Hinaya Mansilingan, Bacolod City matapos na pasukin sila ng 300 pulis sa pangunguna ni Brig. Gen. Rene Pamuspusan, simula pa noong Agosto 8.

Ayon kay Yanson maituturing na police brutality ang ginagawa ng mga pulis dahil wala namang gulo na dapat panghimasukan ang mga ito.

Nabatid na sapilitan pa ring pinasok ng mga pulis ang lugar sa kabila ng kautusan ni PNP Chief Oscar Albayalde noong August 8, kay Pamuspusan, PNP CIDG chief Amador Corpus at mga tao nito, Police Colonel Benliner Capili ng Bacolod CIDG at Bacolod City chief Police Colonel Henry Binas na huwag makialam sa isyu.

Una nang nagpalabas ng direktiba si Albayalde sa PNP Regional Office 6 na huwag makialam at panghimasukan ang umano’y intra-corporate dispute sa mga board members ng Yanson Group of Bus Companies.

Sa apela ni Roy, sinabi nito na ang kanyang mga kapatid na sina Ricky Yanson, Jr., Celina at Emily at kanilang pamilya ay nasa Mansalingan compound.

Inabisuhan umano ng mga pulis ang bus security na kailangan na humingi muna ng pahintulot sa provincial director ng PNP bago makalabas.

“Why would we even ask permission from the Provincial director when there is no legal order directing them to take over our premises and stop our operations. We are a private firm. It is our right to allow or disallow entry or exit of our own company premises”, ani Roy.  

POLICE BRUTALITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with