Kinilala ni Major John Arvin Encinas, Spokesman ng AFP-Western Mindanao (AFP-Westmincom) Spokesman ang nasugatang BIFF member na si Alimoden Masia habang inaalam pa at ang pa­ngalan ng nasu­gatan nitong anak na lalaki at ang misis nitong nasawi matapos na mapuruhan ng bomba.
File
Bomba sumabog: Misis ng terorista lasog
Joy Cantos (Pang-masa) - July 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang misis habang nasugatan ang mis­ter nito na mi­yembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at 10-anyos nilang anak makaraang aksidenteng sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa loob ng safehouse ng teroristang grupo sa Shariff Saydona Mustapha, Maguinda­nao, kamakalawa.

Kinilala ni Major John Arvin Encinas, Spokesman ng AFP-Western Mindanao (AFP-Westmincom) Spokesman ang nasugatang BIFF member na si Alimoden Masia habang inaalam pa at ang pa­ngalan ng nasu­gatan nitong anak na lalaki at ang misis nitong nasawi matapos na mapuruhan ng bomba.

Sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang mag­lunsad ng opensiba ang tropa ng militar  laban sa nalalabi pang grupo ng BIFF na pinamumunuan ni Abdul Haber Usman alyas Commander Eds­rapil, isa sa mga lider ng teroristang grupo sa ilalim ng Bungos faction kung saan mahigit 20 ang miyembro nito kabilang si Masia.

Dahilan sa pagmamadaling tumakas ay aksidenteng napindot ni Masia ang nasabing bomba sa kanilang safe­house sa Brgy. Dasawao, Shariff Saydona Mustapha ng lalawigang ito.

Ang nasabing safehouse ay siyang nagsisilbing launching point ng BIFF sa pambobomba sa North Cotabato at Sultan Kudarat.

BIFF IED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with