Dengue outbreak: South Cotabato isinailalim sa state of calamity
MANILA, Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng South Cotabato matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan sa inilunsad na special session ang resolution no.1 series of 2019 ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC dahil sa dengue outbreak sa lalawigan.
Sa datos ng PDRRMC, umakyat na sa 3,348 ang kaso ng dengue sa probinsya, tumaas ito ng 149% kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Sa ngayon, 21 na ang binawian ng buhay sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Hulyo 13.
Ayon kay Provincial Administrator Atty. Renette Bergado, OIC PDRRMO gagamitin ang first at second quarter disaster quick response fund na P31-milyon ngayong taon para sa pagbili ng fogging at misting machine, chemicals para sa gagawing massive Information Education Campaign, pagbili ng NS 1 kit para sa early detection at purchase ng blood platelet separator.
- Latest