^

Police Metro

Grade 11 itinumba ng kapitbahay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang matinding selos ang dahilan upang mapatay matapos pagbabarilin ang isang Grade 11 na mag-aaral ng isa umanong kapitbahay na nag-akusang karelasyon nito ang kanyang misis habang nasa labas ng kanilang tahanan sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Tama ng mga bala sa ulo at katawan ang kumitil sa buhay ng biktimang kinilala lang sa pangalang “Senator­”, 17-anyos, at residente ng No. 26 Apple St., Purok 3 Brgy. New Lower Bicutan, ng naturang lungsod.

Sa salaysay sa pulisya ng ina ng biktima na si Celestina, alas-11:45 ng gabi nang makatanggap ng text message ang kanyang anak sa hindi kilalang numero. Matapos mabasa, lumabas ng bahay ang anak at saka siya nakarinig ng magkakasunod na putok ng baril.

Nang kanyang labasin ito, dito niya nakita ang anak na naliligo sa sariling dugo dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Nabatid pa sa ina na pinaghihinalaan nila ang isang kapitbahay na hindi muna pinangalanan ang may kaga­gawan ng krimen dahil sa nagseselos umano ito sa anak na inaakusahang may relasyon sa kanyang misis.

Patuloy ang imbestigasyon ng Taguig City Police sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with