^

Police Metro

Bigti gamit ang lubid gustong death penalty ni Duterte

Rudy Andal - Pang-masa
Bigti gamit ang lubid gustong death penalty ni Duterte
Sinabi ni Sec. Panelo, dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbanggit nito sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ay sesertipikahang urgent ng chief executive ang panukalang ibalik ang death penalty.
File

Para mas tipid…

MANILA, Philippines — Pagbigti gamit ang lubid ang pamamaraan ng parusang ipapataw sa drug-related cases at plunder ang nais ng Ma­lacañang upang mas tipid sakaling maibalik na ang death penalty sa bansa.

Sinabi ni Sec. Panelo, dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbanggit nito sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ay sesertipikahang urgent ng chief executive ang panukalang ibalik ang death penalty.

“Siguro mas gusto niya (Duterte) yung death penalty hoping it will mitigate the upsurge of the drug menace and plunderous activities. Kung tatanungin mo siya, walang gastos ‘yung lubid. Pero siguro ‘yung dati natin, lethal injection,” paliwanag pa ni Panelo sa media briefing sa Malacañang.

Naghain naman na ng panukalang batas si Sen. Bong Go ng Senate Bill 207 na nagsusulong na ibalik ang death penalty sa illegal drug cases.

Sa ilalim ng panukala ni Sen. Bong Go, nais nitong buhayin ang parusang bitay sa pamamagitan ng lethal injection.

“Sana po tulungan kami. Part ito ng continuing campaign ni Pangulong Duterte…Mahabang usapan ito. Ito na ang panahon, wala pong naglakas loob noon,” wika ni Sen. Go.

vuukle comment

DEATH PENALTY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with