^

Police Metro

Guro tinodas sa klasrum ng 2 maskarado

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang guro na nakilalang si Narcisa Gumibao Caay, 58, may-asawa, class adviser sa Grade 6 ng Balongating National High School ang pinagbabaril at napatay ng dalawang lalaki na nakamaskara na pumasok sa kanyang klasrum kahapon ng umaga sa Brgy. Balongating, Guipos, Zamboanga del Sur.

Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala ng cal. 45 sa katawan na siyang agarang kumitil sa buhay nito.

Sa imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng umaga habang nagtuturo ang biktima ay biglang sumulpot ang dalawang salarin na nakasuot ng jacket, naka-half mask helmet at sunglasses at agad pinagbabaril ang biktima na duguang bumulagta sa harapan ng nagulantang nitong mga estudyante.

Mabilis na nagsitakas lulan ng kulay asul na motorsiklo patungo sa direksyon ng hilagang bahagi ng national highway ng nasabing barangay ang mga salarin.

vuukle comment

NARCISA GUMIBAO CAAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with