^

Police Metro

Senglot na SAF nag-amok, kustomer tepok

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lasing na mi­yembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang nag-amok sa loob ng isang bar na ikinasawi ng isang kustomer kahapon sa Taguig City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay nakila­lang si Erwin Rosima, 28, binata ng # 35 Jones Street, Brgy. Wawa, ng lungsod.

Agad namang naaresto ang suspek na si P/MSgt.Roberto Ron Fernandez, 31, nakatalaga sa PNP-SAF Force 83rd Company.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-4:35 ng mada­ling araw sa loob ng Quesha Bar sa may Block 11, Lot 10, Bagong Calzada, Brgy. Tuktukan ay lasing na lasing ang suspek nang awayin ang ibang kustomer sa loob ng bar. 

Inilabas nito ang isang pistolang baril at pinalo sa ulo ang isang hindi nakilalang kustomer saka lumabas.

Nang bumalik ay may bitbit na ito ng isang M-16 armalite rifle at pinaulanan ng bala ang loob ng bar kung saan napuruhan sa leeg si Rosima.

Natigil lamang ang pagwawala ng suspek nang dumating na ang mga tauhan ng Police Community Precinct 6 at Special Weapons and Tactics unit at inaresto.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with